ECQ SA TUGUEGARAO CITY, EXTENDED

15

Cauayan City, Isabela- Palalawigin pa ng apat (4) na araw ang kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ) status ng lungsod ng Tuguegarao simula 12:01am ng April 09 2021 hanggang 12:00nn ng April 12, 2021.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Executive Order No. 55 ni City Mayor Atty. Jefferson P. Soriano.


Layunin nito na maipagpatuloy ang paghihigpit sa galaw ng mga tao dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nakapagtala na rin ng mga covid cases sa 46 barangay mula sa 49 barangay ng lungsod.

Mananatili naman ang pag-iral ng mga ECQ Protocols sa lungsod at ang mahigpit na pagpapatupad ng Granular Lockdown sa mga critical areas base na rin sa probisyong nakasaad sa National AITF Memo Circular No. 02.

Facebook Comments