ECQ sa Tuguegarao, matatapos na ngayong araw

Matatapos na ngayong araw ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Tuguegarao City.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force ang pagpapalawig ng ECQ sa lungsod na unang isinailalim sa 10 araw na ECQ noong Agosto 12 at pinalawig pa hanggang Agosto 30.

Sa nasabing panahon, katuwang ng city government ang Bureau of Fire Protection sa pag-disinfect sa mga pangunahing lansangan at pampublikong lugar.


Sa tala ng City Health Office noong Sabado, pumalo na sa 1,468 ang active COVID-19 cases sa Tuguegarao matapos makapagtala ng 136 bagong aktibong kaso.

Facebook Comments