ECQ, sasabayan ng Taguig LGU ng pagsasagawa ng contact tracing

Sasamantalahin ng Taguig City government ngayong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang paghahanap ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa Taguig Local Government Unit (LGU), tututukan nila ang contact tracing o case detection gayundin ang pagpapataas ng hospital bed capacity.

Kasabay nito ang pagpapaigting sa pagbabakuna habang naka-lockdown.


Ayon kay Mayor Lino Cayetano, iniiwasan nila na magkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga namamatay sa COVID.

Tiniyak din ng city government ang pamamahagi ng ayuda sa mga residente ng Taguig.

Facebook Comments