ECQ Status ng Tabuk City, Pinalawig; Bilang ng mga namatay sa COVID-19, 7 na

ECQ STATUS NG TABUK CITY, PINALAWIG; BILANG NG MGA NAMATAY SA COVID-19, NASA 7 NA

Cauayan City, Isabela- Sinang-ayunan na pinuno ng Regional Inter-Agency Task Force na si Director Araceli San Jose ang hiling ng Provincial IATF sa pagpapalawig ng Enhance Community Quarantine Status sa Tabuk City, Kalinga sa loob ng 7-araw.

Habang Modified Enhanced Community Quarantine sa mga bayan ng Tanudan, Tinglayan, Pinukpuk, at Lubuagan at General Community Quarantine naman sa Balbalan, Pasil ar Rizal na magsisimula sa 12:00 ng hatinggabi ng Pebrero 9 hanggang February 15


Ang nasabing hakbang ay base sa January 4 – 29, 2021 Health Risk Level Matrix and Containment Zoning Strategy.

Kauganay nito, naiulat naman ng LGU Tabuk ang 7 kaso ng pagkamatay may kaugnayan sa COVID-19 habang tig-isa naman sa mga bayan ng Tinglayan, Balbalan at Tanudan.

Sa ngayon, nakapagtala ng 1,388 cumulative cases ang Kalinga habang 399 ang aktibong kaso ng COVID-19 at 974 ang naitalang nakarekober sa sakit.

tgas: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, LGU Kalinga, LGU Tabuk City, COVID-19, ECQ, MGCQ, GCQ, Luzon

Facebook Comments