ECQ STATUS NG TUGUEGARAO CITY, EXTENDED NG 5 ARAW

Cauayan City, Isabela- Magtatagal pa hanggang sa Setyembre 5, 2021 ang pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) status ng Lungsod ng Tuguegarao City.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-agency Task Force ang rekomendasyon mula sa health sector at business sector ng siyudad at dahil na rin sa hindi pa bumababang kaso ng Covid-19 cases sa Tuguegarao City.

Inaasahan naman ang ibababang karagdagang guidelines at protocols ng RIATF sa pagpapalawig ng ECQ sa siyudad.


Muli namang nananawagan ang City Government of Tuguegarao sa lahat ng mamamayan at sa mga papasok sa lungsod na istriktong sumunod sa mga Minimum Public Health Standard na ipinapatupad sa buong Tuguegarao City.

Facebook Comments