ECQ Status ng Tuguegarao City, Hiniling na Maibaba sa MECQ with Heightened Restrictions

Cauayan City, Isabela- Nagpatawag ng pulong kahapon, Setyembre 3, 2021 si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa mga miyembro ng 8th City Council at iba pang sektor upang hingan ng suhestyon sa posibleng pagbaba ng quarantine status ng lungsod mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magtatapos bukas, Setyembre 5.

Kasama sa inorganisang pulong ang mga business at health sectors, vendors, association, transport group, hospital administrators, mga Punong Barangay at SK Federation President.

Sa nangyaring pulong, napagkasunduan na hihilingin sa Regional Inter-Agency Task Force na maibaba ang quarantine status ng lungsod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) with heightened restrictions.


Ito ay matapos ikonsidera ang mga naitalang aktibong kaso ng mga tinamaan ng virus, mga namamatay, at ang hospital utilization rate maging ang mga naapektuhang negosyo at pangkabuhayan habang nakasailalim ang lungsod sa ECQ status.

Kaugnay nito, nakapagsumite na sa tanggapan ni Governor Manuel Mamba ng position paper na kaagad rin nilang nai-endorso sa RIATF.

Hihintayin pa rin ang desisyon ng RIATF sa hiling ng lokal na pamahalaan na pagsasailalim sa MECQ status.

Facebook Comments