ECQ Status sa Tuguegarao City, Posibleng i-extend; Active cases, Higit 700

Cauayan City, Isabela- Posibleng palawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) status sa Tuguegarao City, Cagayan dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Nakatakdang maglabas ng kautusan anumang araw ang Lokal na Pamahalaan para sa nasabing ECQ extension na dagdag na apat (4) araw.

Base sa inilabas na datos ng City Health Office, nasa higit 700 ang kasukuyang active cases sa lungsod, bagay na mas mataas ngayon kumpara ng magsimula ang pandemya.


Dahil dito, inirekomenda ng City Inter-Agency Task Force kay Mayor Jefferson Soriano ang pagpapalwig ng umiiral na ECQ status na magtatapos sa Abril 8.

Inaasahang mapapababa pa ang kaso ng COVID-19 sa siyudad sakaling maaprubahan ang ECQ extension.

Facebook Comments