EDAD 1-4, MADALING TAMAAN NG HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE AYON SA CHO

Cauayan City – Nagbabala ang pamunuan ng City Health office (CHO) na mas madaling tamaan ng hand, foot, and mouth disease (HMFD) ang mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang.

Ayon kay City Councilor Thea Aves Garcia, tanging symptomatic medications lamang o mga gamot para sa nararanasang sintomas ang ibinibigay sa mga pasyenteng may hfmd.

Kabilang dito ang mga gamot para sa lagnat at pananakit ng katawan. Nirerekomenda rin ang pagbibigay ng immune booster vitamins para mapalakas ang resistensya ng mga bata.

Ang HMFD ay karaniwang lumalabas sa pamamagitan ng mga sintomas gaya ng mataas na lagnat, singaw sa bibig, at pantal o butlig sa palad ng kamay, talampakan ng paa, at minsan ay sa puwitan.

Ayon naman kay dr. Mary Kristin Purugganan, dapat agad i-report sa city health office mga kaso ng may sintomas ng HMFD upang mabilis na ma-monitor at mabigyan ng tulong.

Maaari ring humingi ng gamot ang mga residente mula sa CHO-2 habang inaabisuhan ang mga paaralan na makipag-ugnayan agad sa kanilang lokal na health office para sa mas epektibong koordinasyon.

Ipinaalala rin ni City Councilor Balong Uy na ang pagbili ng gamot ay nakatuon lamang sa mga pasyenteng may sintomas.

Giit ng mga opisyal, prevention o maagap na pag-iwas pa rin ang pinakamabisang paraan upang hindi kumalat ang sakit.

Facebook Comments