Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas ng bahay ang mga edad 15 hanggang 17 at mga 65-anyos pataas para makapagparehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinayagan ng IATF ang nasabing mga edad na makalabas ng bahay para sa online digital ID registration.
Sa ikalawang hakbang kasi ng pagpaparehistro ay kinakailangang magtungo sa registration center para sa biometric information at pagpapalitrato.
Doon din isasagawa ang pagba-validate ng mga dokumentong kinakailangan sa pagpaparehistro.
Magugunitang sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) tulad ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna ay hindi maaaring lumabas ang mga 18 anyos pababa at higit sa 65 taong gulang.