Edad 15-17 at 65 pataas, pwede nang magtungo sa PhilSys registration centers

Maaaring pisikal na magpunta ang mga may edad 15 hanggang 17 at 65 pataas sa mga registration center ng Philippine Identification System (PhilSys) para magparehistro sa ikalawang step ng national ID.

Ito ay batay sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 114.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang Step 2 ay ang pagkuha ng biometrics kaya’t kinakailangang personal na magtungo sa mga registration center.


Paalala ng PSA, kailangang may patnubayan ng magulang o guardian ang mga menor-de-edad.

Maaaring mag-book ng appointment ng Step 2 online.

Nabatid na mayroong 415 registration center sa 78 probinsya ang PSA.

Facebook Comments