EDAD 18 PATAAS SA ILOCOS REGION NA HINDI KABILANG SA PRIORITY GROUP, SINIMULAN NANG BAKUNAHAN

40

Nagsimula na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa edad 18 pataas na hindi kabilang sa Priority Group sa Ilocos Region.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1, COVID-19 focal person, mayroon ng 7, 521 ang kanilang nabakunahan ng 1st dose at 411 ang fully vaccinated.

Aniya, binuksan na rin ang pagbabakuna sa mga nasabing edad na wala sa kategorya ngunit ‘willing’ na magpabakuna upang mapabilis ang pag-abot sa herd immunity.


Samantala, tumaas naman ang weekly jab o bakunang naituturok kada linggo sa rehiyon na nasa 136, 797.###

Facebook Comments