Pinag-aaralan na ng Metro Manila mayors ang age restriction sa mga bata sa pagbisita sa shopping malls.
Ito ay matapos ibahagi ng isang doktor sa social media na nagpositibo sa COVID-19 ang 2-anyos na batang lalaki nang magpunta sa mall.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19, hindi pa rin natatapos ang pandemya.
Aniya, nasa mandato ng mga Local Government Unit (LGU) na magpatupad ng mga paghihigpit batay sa maaaring kailanganin ng sitwasyon.
Nagpaalala naman si Año sa lahat na sundin pa rin ang public health protocols.
Pinaalalahanan din nito ang mga magulang na maging maingat at dalhin lamang ang kanilang mga anak sa mall kung kinakailangan.
Facebook Comments