
Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na marami sa mga kabataan ang umiiwas sa agrikultura dahil sa hirap ng buhay sa bukid.
Ayon sa pangulo, marami na ngayon ang naghahangad ng mas komportableng trabaho sa mga opisina sa halip na magbilad sa araw para magsaka.
Kaugnay nito, target ng pangulo na pababain ang average age ng mga nasa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng modernisasyon at paggamit ng mga high-tech farming system.
Sa pamamagitan ng intensive at extensive farming gamit ang makabagong teknolohiya, nakikita ng administrasyon na maipapakita sa mga kabataan ang potensyal ng mas mataas na ani, mas malaking kita, at mas sistematikong paraan ng pagtatrabaho sa agrikultura.
Umaasa si Pangulong Marcos na ito ang magiging hakbang para muling mabubuhay ang interes ng kabataan sa agrikultura at muling sisigla ang naturang sektor na matagal na anyang napabayaan.









