Edad ng mga senior citizens, pinababa sa edad na 56

Itinutulak ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na maibaba sa 56 taong gulang ang edad ng isang senior citizen.

Nakapaloob ito sa inihaing Senate Bill 1573 ni Revilla na layuning gawing mas maaga at mahaba-haba ang mga benepisyong natatanggap ng mga seniors.

Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act No. 7432 kung saan mula sa edad na 60 anyos ng mga senior citizens, ipinadedeklara dito na lahat ng residenteng Pinoy na 56 anyos ay ikukunsidera ng senior citizen at maaari nang makinabang sa mga umiiral na benepisyo.


Kung maisasabatas ang pagtatakda sa 56 anyos bilang senior citizen, sila ay makikinabang na sa mga umiiral na benepisyo tulad ng 20% discount at VAT-exemption sa gamot, medical supplies at equipment, transportation fares, hotels, restaurants, recreation centers at iba pang lugar tulad ng sinehan gayundin ang libreng income tax para sa minimum wage earners.

Dagdag pa ang minimum na 5% discount sa buwanang bill sa tubig at kuryente, libreng medical, dental, diagnostic, at laboratory services sa lahat ng pasilidad ng pamahalaan, provision ng express lanes sa lahat ng commercial at government establishments at death benefit assistance.

Facebook Comments