EDCA, Balikatan Exercises, magpapalakas sa territorial defense ng AFP – security analyst

Naniniwala ang isang security analyst na paborable sa Pilipinas ang pagtatayo ng karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites.

Ayon kay Prof. Renato de Castro ng De La Salle University International Studies, mahalagang mapalakas ang defense capability ng Armed Forces of the Philippines sa harap ng tila unti-unting pagpasok ng China sa teritoryo ng bansa.

Katunayan, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang nagsabi na dapat nang bantayan ang ating maritime borders.


Kaya malaking tulong din aniya ang ginagawa ngayon na maritime exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika upang mabigyan ng kasanayan ang mga sundalong Pilipino sa territorial defense.

“Oo, kailangan ho yun. Lalo ngayon na tumindi ang pangangailangan ng Armed Forces natin ng training, additional resources, facilities kasi talagang nagbigay ng marching order ang ating president. The Armed Forces of the Philippines should focus on protecting our borders. The goal of President Ferdinand Marcos Jr. is to transform the armed forces into a credible… kasi kung talagang dapat protektahan ang bansa natin, alliances are convenient pero at the end of the day, it will be the Filipinos, the Armed Forces of the Philippines who will have to defend our country. So, dito pumapasok yung Balitakan, EDCA,” paliwanag ni De Castro sa interview ng DZXL.

Naniniwala rin si De Castro na mas matimbang ang pakinabang ng Pilipinas sa pakikipag-alyansa sa Amerika kumpara sa pangamba na maipit ang bansa sa tensyon sa pagitan ng U.S. at China.

“Meron tayong bases o wala, kung atakihin tayo, mas merong advantage ho tayo if you have the most advanced armed forces behind our back. No matter what they say, the United States still have the most advanced armed forces in the world,” dagdag niya.

Facebook Comments