EDCA sites, handang gamitin sa pananalasa ng Bagyong Mawar

Handa ang mga itinayong pasilidad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites para magamit sa paparating na Bagyong Mawar kung sakaling kakailanganing magsagawa ng Humanitarian and Disaster Relief (HADR) operations.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar, nakumpleto na ang mga proyekto sa orihinal na limang EDCA sites at naka-plano narin ang mga prokyekto sa apat na idinagdag na EDCA sites.

Tatlo aniya sa mga nakumpletong proyekto ay sa Basa Air Base at dalawa sa Antonio Bautista Air Base, Palawan.


Kabilang aniya sa mga nakumpletong proyektong ito ang command and control fusion center, humanitarian and disaster relief warehouse at fuel storage facilities.

Maari na aniyang gamitin ang warehouse para sa pag pre-position ng mga relief goods, tuwing may bagyo o kalamidad.

Paliwanag ni Aguilar, isa ito sa mga functions ng EDCA sites lalo na’t madalas hagupitin ng bagyo ang Pilipinas.

Facebook Comments