EDCA sites sa bansa, malaki ang naitulong sa relief at rescue operations ng pamahalaan sa mga nagdaang bagyo — PBBM

COURTESY: Panganiban, Catanduanes MDRRMO

Malaki ang naitulong ng mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa sa pagresponde sa pangangailangan ng mga biktima ng sunod-sunod na kalamidad.

Sa pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US Defense Secretary of State Lloyd Austin, sinabi ng pangulo na naging mas naging madali ang trabaho dahil sa EDCA sites lalo na para sa mga na-isolate na lugar.

Nagsilbi rin aniya itong staging areas sa pag-preposition ng assets, at paghahatid ng tulong sa pamamagitan ng helicopters sa mga sinalantang lugar, lalo’t maraming mga kalsadang hindi madaanan dahil sa landslides.


Sa panig naman ng Amerika, sinabi ni Austin na nagamit ang EDCA sites sa pag-preposition ng mga suplay, pagkain, at iba pang bagay sa oras ng pangangailangan, at naging daan ito sa mas mabilis na paghahatid ng tulong sa mga Pilipino.

Facebook Comments