EDCOM II at DepEd, lumagda sa isang kasunduan para ilunsad ang comprehensive national assessment para sa sektor ng edukasyon

Nilagdaan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) at ng Department of Education (DepEd) ang “data sharing agreement” para simulan ang comprehensive national assessment sa performance ng education sector ng bansa.

Ang paglagda sa kasunduan na ginanap sa Senado ay pinangunahan nina DepEd Undersecretary Jose Arturo de Castro at EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee.

Ito naman ay sinaksihan nina Vice President at Education Secretary Sara Duterte, Senate Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian, at ang counterpart nito sa Kamara na si Pasig City Rep. Roman Romulo.


Sa pulong ay nangako si Duterte ng pagkakaisa para makamit ang kalidad na edukasyon sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ng sektor.

Naging highlight ng pahayag ng Education secretary ang MATATAG agenda ng DepEd na nagsisilbing gabay ng ahensya para solusyunan ang mga hamon sa edukasyon.

Inilatag din ng EDCOM II ang 28 priorities nito na sumesentro sa Early Childhood Care and Development, Basic Education, Teacher Education, at Governance and Finance.

Facebook Comments