Eddie Garcia Bill, lusot na sa Subcommittee ng Kamara

Pasado na sa Subcommittee on Labor Standards ang Eddie Garcia Bill na layong protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa sa telebisyon, pelikula, radyo at teatro para sa safe-work environment.

Sa inaprubahang substitute bill ay mahigpit na ipinatatakda ang limitadong oras ng pagtatrabaho gayundin ang maayos na kondisyon ng mga artista o manggagawang menor de edad pa lamang at mga senior citizens.

Ginagarantiya rin ng panukala ang pagbibigay ng mga entertainment industry ng mandatory insurance para sa mga aktor at iba pang empleyado na maa-aksidente sa gitna ng pagtatrabaho.


Pinatitiyak din ang mahigpit na pagsunod sa medical at safety protocols at pagkakaroon ng kaalaman sa emergency procedures.

Layunin din ng panukala na hindi na maulit ang insidente ng aktor na si Eddie Garcia na nasawi sa edad na 90 anyos matapos na maaksidente sa kalagitnaan ng shooting sa isang palabas sa telebisyon noong nakaraang taon.

Facebook Comments