Inaasahang makukumpleto na ang konstruksyon ng tulay ng Eden-Cabaritan Bridge sa San Manuel, Isabela ngayong taon ayon sa Department of Public Works and Highways – Isabela Second District Engineering Office (DPWH-ISDEO).
Ayon kay District Engineer Jose B. Tobias na ang kasalukuyang proyekto ay inaasahang magpapabilis ng paghahatid ng mga kalakal at serbisyo na nagbibigay sa mga manlalakbay ng mas magandang pasilidad sa transportasyon kasabay ng pagbuo ng mga trabaho para sa mga residente.
Ang proyekto ay makakatulong din sa mga mag-aaral lalo na ngayong balik face-to-face classes na ang mga ito.
Ang tulay ay may habang 25 metro na kapalit ng kasalukuyang umiiral na tulay.
Lalagyan din ito ng slope protection structures at Portland Cement Concrete Pavement.
Nasa higit P19 milyon ang kabuuang halaga ng proyekto.
Ayon DPWH-ISDEO, inaasahang matapos ang tulay bago matapos ang taong 2022.
Facebook Comments