EDSA busway, pinabubuksan ng isang kongresista sa food delivery vehicles tuwing gabi

Hiniling ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee sa Department of Transportation (DOTr) na buksan ang EDSA busway sa mga food delivery vehicle tuwing gabi mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas singko ng umaga.

Sa inihaing House Resolution No. 2162 ay ikinatwiran ni Lee na makatutulong ito para hindi maantala nang masikip na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila ang pagbiyahe ng pagkain at iba pang produktong agrikultura.

Ayon kay Lee, ang problema sa trapiko sa Metro Manila ang madalas na sanhi kaya hindi nade-deliver sa takdang panahon ang mga pagkain at iba pang agricultural products na nagreresulta sa pagkasira o pagtaas ng presyo nito.


Bunsod nito ay iminungkahi ni Lee sa DOTr na magsagawa ng konsultasiyon sa agricultural and food industry stakeholders para makapaglatag ng polisya at mga hakbang na magpapabilis sa paghahatid ng pagkain sa National Capital Region.

Facebook Comments