EDSA, kailangang i-rehabilitate ayon sa DPWH

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na isasara ang buong kahabaan ng EDSA.

Ayon kay DPWH undersecretary Karen Jimeno – ito’y kapag patuloy na dumami ang volume ng mga sasakyan na dumadaan.

Aniya, lagpas na sa kapasidad ng EDSA ang mga sasakyang dumaraan na nagreresulta ng pagkakasira ng kalsada.


Sinabi ni Jimeno – matagal nang nakalatag ang road reblocking project para sa EDSA pero hindi ito maumpisahan.

Sa ngayon, mahigpit ang koordinasyon ng DPWH sa MMDA at Transportation Department para makahanap ng alternatibong ruta.

Facebook Comments