EDSA PEOPLE POWER ANNIVERSARY | Mga aktibidad, nagsimula na

Manila, Philippines – Umarangkada na ang iba’t ibang aktibidad para sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa People Power Monument, isang misa ang idinaos.

Nag-alay rin ng mga bulaklak sa Libingan ng mga Bayani ang People Power Commission.


Binuksan rin ang ‘The Legacy of EDSA and Beyond’ sa Trinoma bilang bahagi ng selebrasyon.

Kasado na rin ang walk-out protest ng mga kabataan sa University of the Philippines sa Diliman na sasabayan din ng iba pang mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad.

Susundan ito ng pagmamartsa patungo sa Mendiola para sa kanilang programa.

Tatapusin ang apat na araw na paggunita sa EDSA People Power sa pamamagitan ng flag raising ceremony sa Linggo, February 25 sa People Power Monument.

Samantala, tinatayang nasa 1,500 mga pulis naman ang ipakakalat sa mga pagdarausan ng mga kilos protesta.

Facebook Comments