Wednesday, February 25, 2026

EDSA People Power Revolution, bahagi na ng kasaysayan at hindi na dapat mabura-Malacañang

Bahagi ng kasaysayan ng bansa ang mga pangyayari noong EDSA People Power Revolution at hindi ito dapat burahin.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mananatili sa alaala ng bansa ang tapang ng mga Pilipinong nagkaisa sa mapayapang pag-aalsa na nagpatigil sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sa ngayon, ay wala pang opisyal na pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Nauna na ring sinabi ng Palasyo na pinag-aaralan pa ng pangulo ang panukalang gawing regular holiday ang Pebrero 25.

Facebook Comments