EDSA People Power Commission, igagalang ang desisyon ni PRRD

Manila, Philippines – Walang kaso sa EDSA People Power Commission ang inaasahang hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa ika-33 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ayon kay Commissioner Pastor “Boy” Saycon, igagalang nila ang desisyon ng Pangulong Duterte na hindi dumalo sa nasabing okasyon.

Paliwanag pa ni Saycon, bilang nasa ilalim sila ng Office of the President, batid ng punong ehekutibo ang lahat ng mga programang ilalabas ng 5-member commission.


Una rito, sa inilabas na advisory, mayroon umanong aktibidad si Pangulong Duterte sa Metro Manila sa hapon ng Pebrero 25 pero walang kinalaman sa EDSA.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na hindi magtutungo ang Pangulo sa nasabing okasyon mula nang maupo ito sa puwesto noong 2016.

Facebook Comments