EDSA PEOPLE POWER COMMISSION | NHCP, itinalangang chairman

Manila, Philippines – Inilabas ng Palasyo ng Malacañang ang Executive Order number 47 na nag-aamiyenda sa EO number 82 series of 1999 na siyang nag-i-institutionalize ng legacy ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Sa kautusan ng Pangulo ay inaatasan nito ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP na maging permanenteng chairman ng EDSA People Power Commission.

Tatlong Commissioner naman mula sa private sector ay itatalaga ng Pangulo ng bansa na mayroong 3 taong termino.

Sa bisa din naman ng nasabing Executive Order ay ang NHCP na ang mangangasiwa sa People Power Monument.

Facebook Comments