Naniniwala ang isang alyansa ng Non-Government Organization (NGO) na hindi dapat ituring na para sa iisang kulay lamang ang selebrasyon ng 35th anniversary ng EDSA People Power.
Nakibahagi rin kasi sa selebrasyon ang grupong Alyansa ni Inday Sara Movement.
Dinaanan kanina ng kanilang motorcade ang EDSA People Power Monument at sandaling nagsagawa ng maikling programa.
Ayon kay Alvin Sabagun, Presidente ng Alyansa ni Inday Sara Movement, iisa lang dapat ang kulay sa selebrasyong ito.
Ito aniya ay ang kulay na may adhikaing makapaghatid ng pagbabago.
Ani Sabagun, ang diwa ng EDSA ang nag-inspire sa kaniya na magkakaroon ng pagbabago sa bansa.
At sa ilalim ng Duterte administration ay nabuhayan siya ng pag-asa na mas maging progresibo ang Pilipinas.
Hindi dapat ariin ng isang grupo ang diwa ng EDSA kundi sama-sama sanang pinagsisikapan ng lahat ang nagmamahal sa demokrasya.
Umaasa siya na mangyayari ito sa ilalim ng administrasyong Duterte.