EDSA People Power Job Fair | 100 mga indibidwal, na-hire

Manila, Philippines – Nasa 113 na mga aplikante ang na hired on the spot sa katatapos lang na Job Fair ng Department of Labor and Employment sa Quezon City bilang bahagi ng selebrasyon sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, ang Job Fair na ito ay bahagi ng inisyatibo ng DOLE na mailapit sa publiko ang mga bakanteng trabaho.

Nasa 2,101 naman ang near hire, o yung mga aplikante na posibleng ma-hire, ngunit kailangan pa ng ibang additional requirements.


Ilan sa mga trabaho sa nasabing Job Fare ay promo Staff/Specialist, Finishing Mason, Cashier, Merchandiser at Sales Clerk.

Samantala, nasa 23 Balik-Manggagawa OFWs ang nabugyan ng iDOLE OFW cards, habang nasa 102 ang naasistehan ng Assist Well Program.

Facebook Comments