EDSA PEOPLE POWER | Mahigit 1,000 pulis, ipapakalat ng NCRPO

Manila, Philippines – Isang libo at limang daang pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay NCRPO Director Police Chief Supt. Oscar Albayalde, 1200 sa mga ide-deploy na pulis ay magmumula sa Quezon City police district, 150 sa Eastern Police District, habang ang 150 pa ay magmumula naman sa hanay ng regional public safety battalion.

Ipupwesto ang mga pulis sa paligid ng EDSA shrine at People Power Monument.


Tiniyak naman ni Albayalde irerespeto ang karapatang pantao at paiiralin ang maximum tolerance sa inaasahang mga isasagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo.

Ngunit babala ni Albayalde, sa oras na maging bayolente ang mga militante, agad aarestuhin ang mga ito kasama ang kanilang mga lider.

Facebook Comments