Thursday, February 26, 2026

EDSA People Power, maituturing na unfinished business ayon sa isang senador

Maituturing na “unfinished business” para kay Senator Bam Aquino ang EDSA People Power.

Ito ay dahil hanggang sa ngayon, patuloy pa ring nilalabanan ng mga Pilipino ang mga nilalabanan noon kung saan inihalimbawa na rito ang katiwalian sa mga flood control projects.

Sa kabilang banda, naniniwala pa rin si Aquino na matatapos din ang sinasabi niyang unfinished revolution.

Para kay Senator Kiko Pangilinan, ang EDSA Kwarenta ay patunay na pwedeng maging posible ang imposible.

Dahil naibalik aniya ang mga institusyon ng demokrasya tulad ng Senado at free press kaya naman umaasa ang senador na magiging posible rin ang pagwawakas ng nepotismo sa politika at maipapakulong din ang mga korap, smugglers at hoarders.

Facebook Comments