
Generally peaceful ang naging assessment ng Philippine National Police (PNP) sa ginanap na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw.
Ayon kay acting Director of the PNP Directorate for Operations PBGen. Ponce Rogelio Peñones, nagkaroon ng isolated case kung saan naaresto ang dalawang katao matapos mambato, habang naitala naman ang tatlong pulis na nasugatan.
Kaugnay naman sa tensyon sa pagitan ng kapulisan at raliyista, nilinaw ng PNP na gusto umano kasing i-occupy ng mga nagpoprotesta ang south bound lane papuntang Ortigas kaya nangyari ang girian.
Dagdag ni Peñones, nasa kabuuang humigit kumulang 6,000 ang naitalang dumalo sa nasabing pagtitipon.
Facebook Comments










