Manila, Philippines – Daan-daang mga estudyante ang inaasahang magwa-walkout sa klase para sumama sa protesta sa paggunita ng EDSA People Power Revolution sa Biyernes.
Ayon kay Almira Abril, tagapagsalita ng grupong stand up – magmamartsa sila mula UP pa-Espanya hanggang makarating ng Mendiola sa Maynila.
Ito ay para kalampagin ang Administrasyon Duterte dahil sa hindi pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataan.
Ipo-protesta rin nila ang pagmahal ng mga bilihin dahil sa epekto ng TRAIN Law, bulok na MRT, jeepney phaseout at mababang sahod sa mga manggagawa.
Magra-rally naman sa tapat ng Commission on Higher Education (CHED) ang Kabataan Party-List para ipanawagan ang paglalabas ng Implementing Rules and Regulations sa Free Tertiary Education Law.