EDSA provincial bus terminal sa QC, hindi aalisin  ayon QC Council

Hindi aalisin ang mga provincial bus terminal sa Quezon City na nasa kahabaan ng Edsa sa lunsod.

 

Sinabi ni QC Councilor Winston Castelo na ito ang napagkasunduan sa isang dialogue  ng  QC LGU sa mga bus owners.

 

Lumitaw sa  pulong  na  3 percent lamang ng mga provincial bus ang pumapasok sa Quezon City taliwas sa ulat na ang mga pumapasok na bus mula probinsiya ang ugat ng traffic sa lunsod.


 

Binanggit din ni Castelo na mag iilang sakay bago makarating sa lunsod bukod sa madadagdagan ang kanilang gastos at pagod ang mga taga probinsiya na papasok ng kyusi.

 

Maliban dito,  hindi nakonsulta ang lahat ng stakeholders hinggil sa planong ito ng MMDA.

 

Batay sa plano ng pamahalaan, ang mga provincial bus na magmumula sa norte ay ibaba ang mga pasahero sa Valenzuela terminal at saka sasakay muli ng pampasaherong sasakyan papunta sa kanyang destinasyon samantalang ang mga galing South ay ibaba ng provincial bus ang kanilang  pasahero sa Paranaque Integrated Terminal at saka sasakay ulit ng pampasaherong sasakyan papasok ng Metro Manila.

 

Ipatatawag din aniya ng QC government ang lahat ng stakeholders para pag usapang mabuti ang isyu at makabuo ng mas mahusay na solosyon hinggil dito.

 

Sa ngayon anya, para bawas traffic sa QC, bubuksan ang ilang mga kalsada sa lunsod na maaaring maging dagdag na ruta gayundin ang mga subdibisyon, aalisin ang mga colorum vehicles para mabawasan ang mga gumagamit ng kalsada sa mga major routes.

Facebook Comments