EDSA rebuild, tiyak makakaapekto sa ekonomiya kung magiging matagal ang pagsasakatuparan

Buo ang suporta ni Parañaque 2nd District Representative-elect Brian Raymund Yamsuan sa pasya ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na suspendehin at pag-aralang mabuti kung paano mapapabilis ang EDSA-Rebuild project.

Diin ni Yamsuan, kung magiging matagal ang pagsasagawa ng EDSA rebuilt ay tiyak na makakaapekto ito ng labis sa ekonomiya ng bansa dahil sa idudulot nitong matinding problema sa daloy ng trapiko.

Tinukoy ni Yamsuan ang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na nagsasabing nasa ₱3.5 billion kada araw na aabot sa ₱5.4 billion pagsapit ng 2035 ang mawawala sa ating ekonomiya dahil sa traffic congestion sa Metro Manila.

Nilinaw ni Yamsuan na marapat lang irebuild at isailalim sa rehabilitasyon ang ilang dekada ng EDSA pero tama si PBBM na dapat itong gamitan ng modernong construction techniques upang mapabilis at hindi magdulot ng matinding perwisyo sa mga motorista at mananakay.

Facebook Comments