
Sisimulan na sa ikalawang linggo ng Abril ang rehabilitasyon sa EDSA.
Sa pagdinig ng Senado ay dumalo na si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at sinabi nitong binago nila ang orihinal na plano kung saan sisimulan ang rehab mula sa northbound lane ng Balintawak hanggang Monumento.
Prayoridad sa rehab ang section mula Pasay hanggang Guadalupe southbound at northbound dahil sa nakatakdang ASEAN summit sa Mayo ng susunod na taon na gaganapin dito sa Pilipinas.
Hindi naman aabutin ng Disyembre 2025 ay target nilang tapusin ang southbound lane.
Aabot naman hanggang unang bahagi ng 2027 bago matapos ang kabuuang 200-kilometer lane ng southbound at northbound.
Nasa walong bilyong piso naman ang pondo ng DPWH para sa EDSA rehabilitation.