Friday, February 20, 2026

EDSA Shrine ‘No Rally Zone” inalmahan

Sa nalalapit na ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, inanunsyo ngayong araw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Director for Traffic Enforcement Group at Traffic Discipline Office na si Atty. Victor Nunez na ang EDSA Shrine sa Ortigas ay idineklara nang “No Rally Zone”.

Iyan ang kaniyang inihayag matapos ang kanilang isinagawang coordination meeting at walkthrough sa EDSA People Power Monument sa Quezon City para sa gaganaping Trillion Peso March sa mismong araw ng anibersaryo.

Ayon kay Nunes na idineklarang working holiday ang pag-alala sa anibersaryo na posibleng magdulot ng mabigat na daloy ng trapik sa lugar.

Kaugnay nito, limang grupo ang nag-apply para sa permit na makapagsagawa ng programa sa darating na Miyerkules ayon kay Quezon City – Department of Public Order and Safety General Elmo San Diego.

Pero inirekomenda ng departamento na magkaroon na lamang sana ng isang entablado pero nais ng isang grupo na magsagawa ng programa sa EDSA Shrine.

Dahil dito, hindi nakakuha ang mga ito ng permit mula sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Samantala, nagbitaw ng pahayag si San Diego hinggil sa pagbibigay ng permit sa mga magsasagawa ng kilos protesta.

Mariin naman itong inalmahan ng ilang mga grupo ang naging deklarasyon at naging pahayag ni San Diego.

Ayon kay Atty. Luke Espiritu na ang desisyon ay dapat manggagaling dapat sa mga organisasyon.

Dagdag pa niya na ang naging pahayag ni San Diego kaugnay sa pagkakasa ng kilos protesta ay hindi nangangahulugang pagpapabagsak sa gobyerno

Para naman kay Ka Leody De Guzman na salungat ito sa totoong diwa ng EDSA at ito rin ay nagsusupil sa demokrasya ng bansa.

Facebook Comments