Eduard Folayang, bigong madepensahan ang kaniyang one lightweight title

MMA – Bigo ang Filipino Mixed Martial Arts fighter na si Eduard Folayang na depensahan ang kaniyang one lightweight title.

Ito ay matapos na patulugin siya ni One Featherweight Champion Martin Nguyen sa kanilang paghaharap sa ‘One: Legends Of The World’ championship na ginanap sa MOA Arena.

Sa unang round, naging maganda ang depensa ni Folayang subalit pagpasok ng pangalawang round ay doon na magkakasunod na binanatan siya ni Nguyen at Tluyang pinatumba na may natitirang 2:20 sa oras.


Dahil sa panalo ay hawak ngayon ng Australian-Vietnamese na si Nguyen ang one championship featherweight at lightweight belts.

Facebook Comments