Cauayan City, Isabela- Inaasahan ng mababakante ang mga silid-aralan sa buong Cagayan Valley bago magbukas ang pasukan sa darating na Agosto ngayong taon.
Ayon kay Regional Director Estela Cariño, Department of Education, napagkasunduan na hanggang sa katapusan ng Hulyo 31 nalang magagamit ang mga classrooms na una nang ginawang quarantine facility.
Aniya, wala namang naging hiling ang Regional Task Force sa posibleng pagpapalawig sa paggamit sa mga classrooms sa mga paaralan.
Samantala, maaari namang magboluntaryo ng mga education graduates na wala pang trabaho sa pagbubukas ng klase kasabay ng pagbibigay ng honorarium ng mga Local Government Unit (LGUs).
Ayon pa sa opisyal, kinakailangan lang na magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga volunteer teachers at Schools Division Office.
Kinumpirma din ng Cariño na may mga opisyal ng gobyerno sa mga probinsya na naghain ng resolusyon sa pagpayag sa face-to-face classes.
Una nang hiniling ng task force sa tanggapan ng DepED na gawin pansamantala ang mga pasilidad ng paaralan para sa pagsasailalim ng quarantine ng mga umuwing kababayan.