Education Secretary Sonny Angara, aminadong mayroong pagkukulang sa implementasyon ng SHS

Aminado si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na may naging pagkukulang sa implementasyon ng senior high school (SHS) curriculum sa ilalim ng K to 12 program.

Ito’y kasunod ng panukalang batas na inihain ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na layong alisin ang SHS, dahil umano sa kabiguang makamit ang layunin na maging job-ready ang graduates ng programa.

Ayon kay Angara, hindi maganda ang naging implementasyon ng SHS sa nakaraang dekada o 12 taon dahil sa kawalan ng kalayaan ng mga estudyante sa pagpili ng kanilang mga subject.

Matatandaang, sa ilalim ng Senate Bill No. 3001 ni Estrada, iminungkahi nito na ibalik sa kindergarten, anim na taon sa elementary, at apat na taon sa high school ang pag-aaral ng mga estudyante at tanggalin na ang 2 taon na senior high school.

Facebook Comments