Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na ipagpapatuloy nila ang pagprayoridad sa sektor ng edukasyon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, prayoridad pa rin sa alokasyon ng pondo ang edukasyon na bahagi ng isinusulong sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Naniniwala aniya ang DBM na ang edukasyon ang sandata ng maraming Pilipino upang masugpo ang kahirapan at umunlad ang bansa.
Ngayong taon, ang Edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng pondo na may ₱983.5 billion kung saan halos ₱133 billion ang inilaan para sa State Universities and Colleges.
Una nang sinabi ng ilang grupo ng mga guro na umaasa silang isusulong ng bagong liderato ng Department of Education na tutuparin ng kagawaran ang United Nation standard sa paglalaan ng budget sa edukasyon na katumbas ng anim na porsyento ng gross domestic product ng bansa.