Pinalakas ng pamahalaang bayan ng San Nicolas ang suporta nito sa edukasyon matapos makinabang ang 1,943 mag-aaral sa ipinatupad na educational assistance program.
Ipinahayag ng mga kabataang San Nicolanians ang kanilang mas matinding determinasyon na magpursige sa pag-aaral kasabay ng pagtanggap ng tulong-pinansyal na layong makatulong sa kanilang pangangailangang pang-eskuwela.
Ayon sa alkalde, patunay ang programa na kaagapay ng lokal na pamahalaan ang kabataan sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa edukasyon.
Hinikayat din niya ang mga mag-aaral na gamitin ang natanggap na tulong bilang inspirasyon upang lalo pang magsikap at magtagumpay sa kanilang pag-aaral.
Malaking tulong umano ang educational assistance sa pagpopondo ng mga gastusin sa paaralan at nagsisilbing dagdag-motibasyon upang ipagpatuloy at tapusin ang edukasyon.









