Educational institutions, ipinapa-deputize para sa COVID-19 vaccination sa mga guro, school personnel at mga estudyante

Ipinapa-deputize ng ilang kongresista sa pamahalaan ang mga educational institutions para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga guro at iba pang mga personnel sa mga paaralan.

Inihirit ni Committee on Education Vice Chair at Rizal Rep. Fidel Nograles na ikunsidera ng gobyerno ang pag-deputize sa mga educational institutions upang ang mga ito na magbakuna sa kanilang mga miyembro.

Ito ay upang mas lumawak pa ang vaccination rollout ng pamahalaan at mas malaki ang posibilidad na mabilis na makakamit ang herd immunity sa pagtatapos ng 2022.


Samantala, ipina-a-assess din ng mambabatas sa Commission on Higher Education (CHED) at sa mga medical experts ang mga epektibong pamamaraan para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon sa unti-unting pagbabalik ng klase sa mga paaralan.

Batay aniya sa CHED, mula ng ibalik ang limitadong face-to-face classes sa ilang kurso sa kolehiyo noong Enero, 1% lamang sa 21,000 na estudyante sa 181 na paaralan sa buong bansa ang nagkasakit ng COVID-19 habang 1.41% naman sa 1,000 faculty members ang nahawaan ng sakit.

Dahil sa mababang infection rate, patunay aniya ito na ang CHED at maging ang Department of Education (DepEd) ay may tamang sistema sa pagbibigay proteksyon.

Kung ganito aniya ang palaging mangyayari ay hindi malayong makabalik na sa normal ang sektor ng edukasyon.

Facebook Comments