Educational online platform ng DepEd, ma-a-access na kahit free data lang ayon sa DepEd

Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na nakipagkasundo ito sa Globe Telecommunication para mabigyan ng free access ang mga Globe at TM user sa DepEd Commons.

Ang DepEd Commons ay ang educational online platform ng kagawaran ng Edik Aston na maaaring gamitin habang umiiral ang banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, layunin nito na mas marami pa ang makagamit ng DepEd Common na mga magaaral ng bansa na hindi kailangan magpa-load pa ng kanilang mga smartphones.


Ito, aniya, ang isa sa mga sagot nila doon sa ilang challenges na ikinahaharap ng DepEd upang maipagpatuloy ang pagaaral ng mga bata sa kabila ng umiiral na heath crisis sa bansa.

Sa ngayon, ang DepEd Commons ay may 4,236,667 users na mga magaaral sa bansa, naglaman ito ng online review materials at Open Educational Resources (OER) authored ng public school teachers na mga subject matter experts.

Ito ay maaaring gamitin, reuse, revise, remix at redistribute kasabay ng ilang learning management system upang makapa-aral ang mga bata kahit hindi pumapasok sa paaralan araw-araw.

Facebook Comments