Educations institutions hinimok ni Sen. Bong Go para sa transition sa flexible modes Of learning at siguruhin na hindi mahihirapan ang mga mag-aaral.

 

Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang sektor ng edukasyon na masusing ikonsidera ang paggamit ng online platforms sa pag-aaral ng mga estudyante sa bansa.

Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna nang pandemya para masiguro na hindi mahihirapan ang mga mag-aaral sa “transition” sa edukasyon.

“Schools and education officials must guide students in order for them to adjust to new modes of learning,” wika ng senador.


“Siguraduhin natin na lahat ng mga estudyante ay mabibigyan ng pantay na oportunidad sa ilalim ng ating learning continuity plan in all levels of education,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, ipinunto ni Go ang consequences ng pandemic sa edukasyon at inihayag ang pangangailangan hindi lamang sa kapabilidad ng gobyerno na makasabay sa mga naturang hamon kundi maging sa kapasidad ng mga mag-aaral na tumugon sa new norm of education – ang online platform.

“Despite the current health crisis, our aim is to ease the burden for our students and also their families,” saad nito.

Bagaman nag-aalok ang gobyerno ng libreng edukasyon sa state colleges at iba pang vocational schools, iginiit ni Go na maraming estudyante ang nahaharap sa mga isyus maliban sa tuition fees na mas lalo pang naging pahirapan dahil sa epekto sa ekonomiya ng pandemya.

“Marami pa rin sa ating mga mag-aaral ang mahihirap at naghahanap ng paraan para maitawid ang kanilang mga nagugutom na sikmura habang nag-aaral. Ano pa ngayong may pandemya na? Ibig sabihin, mas mahirap po ang sitwasyon ngayon,” sabi ni Go.

“Sa gitna ng economic crisis na dulot ng COVID-19, aminin nating marami sa ating mag-aaral in the tertiary and higher education ay mga working students. Naghahanap-buhay sila para may pangtustos sa pang-araw araw na gastos,” paliwanag pa nito.

Hinimok ni Go ang concerned agencies na ikonsidera ang mga isyu na ito habang sinisiguro na magtutuloy-tuloy ang edukasyon sa kabila ng health crisis. “This is so that we can continue to improve our education system and bridge the gaps of learning without giving more stress mentally, emotionally and financially,” dagdag ng Mambabatas.

Inulit din ng senador ang kanyang paninindigan na walang face-to-face traditional classes na dapat umiral habang wala pang bakuna para sa COVID-19.

“Iyan rin po ang stand ng ating Pangulo. Aanhin po natin ang another year level, kung magkakasakit naman ang mga bata? We all understand the importance of education. Yet, we must also remind ourselves that, above all, the right to live must be of utmost priority,” sabi ni Go.

“Huwag po natin biglain at pilitin, at baka naman dumugo. Kapag binigla natin ang pagbalik sa normal ng klase, buhay po ng mga bata ang itinataya natin. Kapag pinilit natin ang makabagong paraan ng online learning, duduguin rin ang estudyante kung hindi sila makapag-adjust ng maayos,” dagdag pa nito.

Inulit din nito ang kanyang naunang payo na magkaloob ng flexible modes of learning na may kaakibat na konsiderasyon para sa health and safety protocols na kailangang sundin para maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral nang hindi nahihirapan sa paggamit ng online platforms para hindi masayang ang isang school year.

“Kaya palagi ko pong paalala sa DepEd, CHED, at iba pang ahensya sa sektor ng edukasyon: Pag-aralan po natin ng mabuti. Importante na makapag-aral pa rin ang mga bata, hindi masayang ang isang taon, pero sa paraan na hindi sila mapipilitang ma-expose sa sakit,” sabi ni Go.

“Sana naman po ay walang bumagsak na estudyante dahil kulang sa kagamitan, walang access sa teknolohiya, o hindi sapat ang kaalaman sa bagong modes of learning na maiimplementa ngayon. Kung tayo nga po sa Senado ay nahihirapan pa sa Zoom, tulad ngayon, napuputol-putol po ang ating connection, paano po sila – ang mga estudyante?” Dagdag ni Go.

Ibinulalas naman ni Go ang kakulangan ng access para sa stable internet connectivity bilang hamon sa bawat Filipino patungo sa ‘new normal.’

“Mas lalo po silang mahihirapan, kung tayo ay hirap na hirap sa online connection sa panahong ito. Kaya nga po nagalit ang ating Pangulo, dahil sa mabagal nating internet access. Kung tayo po ay nahihirapan sa online hearings, o nagiging biktima ng mabagal na internet, paano pa po sila?,” Sabi ni Go.

“Marami pong mga estudyante ang walang laptop o internet access. Maraming estudyante ang mahihirap. Siguruhin natin na lahat ng mga estudyante natin ay mabibigyan ng pantay na oportunidad sa ilalim ng ating learning continuity plan in all levels of education,” dagdag pa nito.

Iginiit din niya ang pangangailangan para pagkalooban ng sapat na kagamitan ang professors at teaching staff upang makasabay sa bagong modes of teaching.

Sinabi din nito na dapat maging handa ang education sector para mag-invest sa technology, resources and training para mapaunlad ang estado ng edukasyon sa bansa sa kabila ng mga hamon ng pandemya.

Facebook Comments