Edukasyon, kalusugan at kabuhayan ng mga Pilipino, dapat iprayoridad sa proposed 2022 national budget

Iprayoridad sa proposed 2022 national budget ang pondo para sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan ng mga Pilipino.

Ito ang apela ngayon ni 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa Kongreso kasunod ng nakatakdang pagsumite sa proposed P5.024 trillion national budget para sa susunod na taon na syang pinakamalaking pondo sa kasaysayan ng bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay Legarda na syang Chairperson ng Senate Committee on Finance noong 16th at 17th Congress, binigyang-diin nito na kung magiging maayos ang alokasyon ng national budget ay magiging sapat na ito para sa pandemic recovery.


Upang masigurong walang masasayang sa aaprubahang budget sa susunod na taon, pinayuhan ng senadora ang mga ahensya ng gobyerno na iwasan na magkaroon ng problema sa utilization ng national budget.

Facebook Comments