EFFECTIVE! | Effort ng pamahalaan upang mapababa ang inflation rate, epektibo – ayon sa mga economic manager

Manila, Philippines – Kasabay ng pagbaba ng inflation rate sa 6% ngayong Nobyembre, sinabi ngayon ng economic managers ng bansa na epektibo ang mga ginagawang hakbang ng pamalahaan upang pabagalin at pababain ang nararansang inflation sa Pilipinas.

Sa official statement na inilabas ng economic managers, nakasaad na malaking bagay sa kanila na ang pagbaba ng inflation ay makatutulong sa mga Pilipino lalo at papalapit na ang Pasko.

Ang resultang ito anila ng PSA survey ay lalo lamang magtutulak sa kanila na pagigtingin pa ang kanilang tungkulin na labanan ang inflation, tiyakin ang food security at price stability sa bansa.


Kaugnay nito, nananawagan naman ang mga economic managers sa business sector na huwag samantalahin ang isasagawang excise tax hike sa produktong petrolyo pagpasok ng Enero 2019.

Pinapayuhan rin nila ang publiko na maging vigilante at i-ulat sa mga kinauukulan ang mga negosyante na mananamantala sa dagdag singil sa produktong petrolyo.

Facebook Comments