Effectivity ng passport validity extension, malabo pa

Manila, Philippines – Malabo pang maipatupad sa lalong madaling panahon ang sampung taong passport validity.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar, kailangan munang mabuo ang implementing rules and regulations bago maipatupad ang naturang batas.

Hindi naman masabi ni Bolivar kung kailan tuluyang mabubuo at mapa-plansta ang IRR ng sampung taong Philippine passport validity.


Batay sa republic act number 10928 ay mayroon pang posibilidad na hindi ibigay ng Department of Foreign Affairs ang buong 10 taon ng validity ng Philippine Passport kung mayroong issue sa economic interest ng bansa o political stability.

Facebook Comments