Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Undersecretary Eric Domingo na mas mataas ang efficacy rate ng COVID-19 vaccine na Sinovac sa mga komunidad kaysa sa mga ospital.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Domingo na base sa pag-aaral ng mga eksperto nasa 91% ang efficacy rate ng Sinovac vaccine sa clinically healthy individuals.
Habang ang 50% efficacy rate nito ay para sa mga medical healthworker tulad ng mga doktor at nurse na may direktang exposure sa mga COVID-19 patient.
Pero paglilinaw ni Domingo, hindi ipinagbabawal ang pagtuturok ng Sinovac sa mga medical frontliner bagkus inirerekumenda lamang na ibang bakuna ang iturok sa kanila na may mataas na efficacy level.
Paglilinaw nito, siya kasama ang ilang mga doktor tulad nila UP-PGH Director Gap Legaspi, Dr. Edsel Salvana at Dra Minguita Padilla ay nagpaturok na nitong Lunes ng Sinovac at wala naman silang naramdamang negatibong side effects.