Efficient at accountable PH courts, isasakatuparan sa GOJUST II ni Chief Supreme Court Justice Gesmundo

Inilatag ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang “strategic plan” ng Supreme Court (SC) sa susunod na limang taon upang mapanatiling efficient at accountable ang mga korte sa bansa.

Inanunsyo ng punong mahistrado ang plano sa virtual launching ng Justice Sector Reform Programme: Governance in Justice (GOJUST II), isang proyekto na sinuportahan ng European Union.

Hiniling ng Chief Justice ang suporta at inputs mula sa kanyang mga kasamahan sa Kataas-taasang Hukuman para sa implementasyon ng five-year plan hanggang 2026.


Una rito ay karapat-dapat na magkaroon ang mga Filipino ng judiciary na may competence, integrity, probity, at independence.

Dapat din maibigay ng judiciary ang pantay na access sa katarungan sa totoong oras at dumedepende sa transparency at accountability ang kumpiyansa ng publiko sa hudikatura.

Dapat din aniya na teknolohoya ang magsisilbing platform sa pagpapatakbo ng basic court systems at processes.

Sinabi ni Gesmundo, imo-monitor at i-e-evaluate ng Supreme Court ang performance ng mga justice, judges, at court officials at personnel.

Upang matugunan aniya ang delay at pangangailangan ng litigants, nag-set up ang Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ng iba’t ibang Justice Zones sa bansa kung saan maaring mag-convene at talakayin ng mga korte, prosecution, law enforcement, correctional institutions, at community ang mga problema.

Tiniyak ni Gesmundo na sa panahon ng kanyang pamumuno, patuloy na gagabay ang GOJUST sa pagtatatag ng mga karagdagang Justice Zones.

Facebook Comments