
Patuloy pa rin ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa ika-23 araw nito.
Kung saan na-monitor kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang effusive eruption ng bulkan na nag-generate ng pyroclastic density current (PDC) o uson at rockfall.
Dumaloy ang mga magma mula sa crater ng Mayon Volcano sa mga gullies nito na Basud na umabot sa layong 3.7 kilometers, 1.6 kilometers naman sa Bonga, at 1.3 kilometers sa Mi-isi.
Samantala, patuloy rin ang pamamaga ng bulkan kung saan naitala ng PHIVOLCS sa loob ng 24 oras ang 21 volcanic earthquakes, 351 rockfall events, at 64 na uson.
Habang umabot sa 1474 tons ang naibugang sulfur dioxide ng bulkan at hanggang 1000 metro naman ang taas ng plume nito na napapadpad hilagang-kanluran at kanluran-timog-kanluran.
Nananatili pa ring nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone.










